15 Marijuana Plantation Sites sa Kalinga, Narekober!

Tinglayan, Kalinga- Tinatayang nasa 17 milyon ang halaga ng nadiskubreng labing limang Marijuana Plantation Sites sa Barangay Buscalan at Laccong, Tinglayan Kalinga kamakaylan.

Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Cordillera at Cagayan Valley Region, PNP Tinglayan at 50th Infantry Batallon.

Sa impormasyong ibinahagi ni Capt. Jefferson Somera ng 5th Infantry Division sa RMN Cauayan News Team, sinabi nito na may posibilidad umanong ang mga miyembro ng NPA ang sangkot sa pagtatanim ng ipinagbabawal na marijuana.


Dagdag pa niya, ito na umano ang ikalawang beses ngayong taon na may nadiskubre ang mga otoridad na malalaking halaga ng marijuana sa bayan ng Tinglayan dahil matatandaan na noong nakaraang buwan ng Pebrero ay nasa mahigit labing apat na milyong piso naman ang sinunog na mga pananin, tuyong dahoon, buto at marijuana powder sa parehong bayan.

Samantala, ang mga narekober naman na marijuana ay pinagbubunot umano ng mga otoridad.

Sa ngayon ay patuloy ang mga otoridad sa ginagawang pag-alam kung sino ang may-ari ng lupa na pinagtamnan ng marijuana upang matukoy kung sino ang mga salarin na dapat mapanagot sa batas.

Facebook Comments