SEMANA SANTA | Simbahan, nagpaalala na marami pang paraan para mamanata kaysa sa pagpapapako sa krus

51

Manila, Philippines – Sinabi ngayon ni Father Francis Lucas, Pangulo at CEO ng Catholic Mass Media Network, na mas marami pang paraan para ipakita ang pamananata at sakripisyo ngayong Semana Santa.

Isang halimbawa dito aniya ang pagtulong sa mga mahihirap at mas nangangailangan.

Ayon kay Father Lucas, hindi aprubado ng simbahan ang pagpapapako sa krus at pagpapapalo ng ilang namamanata.

Matagal na aniyang tutol ang simbahan sa nakaugaliang ito, gayunpaman, hindi rin nila mapigilan ang mga gumagawa nito, dahil ito ang paraan ng ilan upang ipakita ang kanilang pananampalataya.

Facebook Comments