15 mga kalsada, nananatiling sarado dahil sa Bagyong Maring at Nando

24

15 national road sections pa ang nananatiling sarado dahil sa mga pagguho ng lupa at iba pang pinsala bunga ng Tropical Storm ‘Maring’ at Tropical Depression ‘Nando’.

Ayon sa Department of Public Works and Highways Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), kabilang sa mga saradong kalsada ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1, Region 2 at Region 7.


Sa CAR, karamihan ng mga saradong kalsada ay bunga ng landslide at soil collapse.

Wala pang abiso ang DPWH kung kailan bubuksan sa trapiko ang naturang mga kalsada.

Facebook Comments