Kandidatura ng isang aspirante, binasura ng COMELEC matapos itong maghain ng iba’t-ibang COC

40

Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) Law Department ang inihaing Certificate of Candidacy ng isang Arlene Josephine Butay.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ito ay dahil si Butay ay nagsumite ng COC bilang independent candidate sa pagka-bise presidente at senador.


Sinabi ni Jimenez na sa ilalim ng batas at regulasyon ng COMELEC, hindi maaaring tumakbo ang isang aspirante sa dalawa o higit pang posisyon.

Bukod sa pagka-bise presidente at senador, sinasabing naghain din ng COC sa lokal na posisyon sa Ilocos Region si Butay.

Facebook Comments