Manila, Philippines – Aabot sa 15-milyong pisong halaga ng mga nasabat na illegal na droga ng Bureau of Customs sa NAIA ang itinurn-over ngayong umaga sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay customs commissioner isidro lapena, kabilang sa mga nasabat ang halos 2-kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 14-million pesos at isat kalahating milyong pisong halaga ng valium, mogadon party drugs.
Hindi pa matukoy ang halaga ng mga nasabat na marijuana.
Nasabat ang mga illegal na droga ay natuklasan sa limang packages na dumating ss warehouse ng central mail exchsnge center at fedex.
Nakuha ang mga shabu sa loob ng isang pangmasahe sa paa mula thailand, frame ng santo mula africa at sa loob ng isang liham.
Natuklasan naman ang halos 70-libong tableta ng valium at mogadon sa loob ng parcel na inihalo sa mga damit at laruan galing pakistan.
Bukod dito, natuklasan din ang 48 oil ampules at 12 plastic container ng jelly marmalade na may lamang marijuana sa isang padala na deklaradong boxing gloves at football jersey.
Nakapangalan sa ibat ibang consignee ang mga shabu kabilang na sa isang melinda dacallos ng caloocan city, joseph manialac ng angeles city at rico delicamano ng batao, ilocos norte…
Habang ang party drugs ay nakapangalan sa isang Rico Delicano ng Cotabato City at ang nasabat na marijuana ay nakatakdang ipadala sa Las Piñas City.