15 MINIMUM FARE, INIHIRIT NG AUTOPRO PANGASINAN SA LTFRB

Inihirit ng Alliance of United Transport Organization Province-wide o AUTOPRO-Pangasinan ang 15 pesos na minimum fare dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sinabi ni Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO, gagawa ito ng fare increase petition Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kung saan 6 pesos ang idagdag sa kasalukuyang minimum fare.
Taong 2008, 22.20 ang presyo ng kada litro ng krudo at 8.50 ang minimum na pamasahe pero ngayong taong 2022 ay 53.00 na subalit ang minimum na pamasahe ay 9.00 lang, ani ni Tuliao.

Aniya, hindi kaya ng mga driver ang mataas na presyo ng gasolina at idagdag pa ang kanilang boundary na nasa 250-500 pesos kada araw kung kaya’t wala rin silang halos nakita sa maghapong pamamasada.
Dagdag ni Tuliao, karamihan sa kanilang miyembro ang nag half-day sa pamamasada at ang iba ay naghanap na lang ng isang pagkakakitaan.
Inaasahan namang magbabalik sigla ang pamamasada ng mga ito kapag nagbalik na ang face-to-face classes ngunit itutuloy pa rin nila ang kanilang petisyon. | ifmnews
Facebook Comments