11th ASEAN Para Games, nakatakdang ganapin sa Indonesia

Gaganapin ang 11th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para Games sa Solo, Indonesia simula sa July 23 hanggang July 30, 2022.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Board of Governors meeting ng ASEAN para Sports Federation (APSF) ang paglipat ng host country sa Indonesia mula sa Vietnam.

Unang napili bilang host ng paligsahan ang naturang bansa pero ito ay umatras dahil sa banta ng COVID-19.


Samantala, huling ginanap sa Indonesia ang Para Games noong 2011.

Facebook Comments