15 na referrals, ihahain ng ICI sa ombudsman laban sa mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects

Maghahain ng 15 referrals sa Ombudsman ang Independent Commision for Infrastructure (ICI), laban sa mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr., maaaring sa susunod na 3 hanggang 4 na linggo ipa-file ang naturang case referral sa Ombudsman.

Samantala, sa pagtatanong naman ng DZXL-RMN Manila, kung isasama na rin ba ng ICI ang imbestigasyon sa maanomalyang report ng Farm to Market roads, sinabi ni Azurin na nakalinya na ang lahat ng kanilang iimbestigahan.

Una nang sinabi ni Azurin na hindi siya papayag na walang mananagot na mga indibidwal sa isyu na ito lalo pa’t nadiskubre ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang iba’t ibang anomalya at korapsyon sa mga proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments