Nananatiling sarado sa trapiko ang 15 national road sections dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses.
Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), apat ang hindi madaanang national road sa Cordillera Region, tatlo sa Cagayan Valley, anim sa Central Luzon at tig-isa sa CALABARZON at Bicol Region.
Sarado pa rin ito sa trapiko dahil sa soil collapse, landslide, roadslip, mudflow, damaged detour, bumigay na tulay, nagbagsakang puno, baha at carriageway settlement.
Mayroong apat na road sections na may limited access sa Cordillera, Central Luzon, Bicol at Eastern Visayas.
Aabot na sa ₱8.447 billion ang iniwang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura.
Ang mga apektadong rehiyon ay Bicol region, CALABARZON at Cagayan Valley.
Facebook Comments