CSC, nagbabala sa publiko sa mga review class na nagsasabing 90% ang passing rate

95

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa publiko laban sa mga pekeng online announcement mula sa mga review class na nagsasabing 90% ang kanilang passing rate.

Ayon sa CSC, wala silang ine-endorso o ina-accredit na anumang review center na nag-aalok ng klase sa mga examinees.


Ang mga review centers na nagsasabing sila ay accredited ay kailanman hindi konektado sa komisyon.

Ang Career Service Examination (CSE) ay isang general ability test na magsisilbing basic gauge na nakadisensyo para malaman at masuportahan ang merito at kakayahan ng isang indibidwal para sa government career service.

Pinayuhan ng CSC ang publiko na magtungo lamang sa kanilang official website csc.gov.ph at official Facebook page: fb.com/civilservicegovph at sa kanilang regional offices para sa lehitimong impormasyon para maiwasan ang pagpapakalat ng fake news.

Facebook Comments