15 Pato na namatay sa Butuan City, negatibo sa bird-flu virus

Butuan City – Negatibo sa bird flu virus ang labinlimang pato na namatay sa Butuan City noong Sabado, Agusto 19. Ito ay ayon sa pagsusuri na ginawa ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa pangunguna ni Chief Veterinarian Esther B. Cardeno.

Ayon kay Emmylou Tereso Presilda, Regional Information ng Department of Agriculture Caraga, lagpas na sa anim na oras ng maireport sa kanilang tanggapan ang pagkapatay ng mga alagang pato na pagmamay-ari ni Luzminda Enciso ng Purok 3A, Barangay Holy Redeemer, Butuan City.

Sa inisyal na diagnosis, sinasabing kakulangan ng hangin ang dahilan ng pagkapatay ng mga pato dahil sa nagsiksikan na ang mga ito sa lugar na kulang sa tubig.


Kanina muli na namang bumisita ang mga kasapi ng ahensya sa lugar pero ayon sa may-ari wala na silang nakita pang problema sa kanilang alagang pato at hindi rin na nadagdagan ang bilang ng mga napatay na pato.

Nilinaw na sa ngayon nananatiling bird-flu free ang mga poultry products CARAGA Region.

Facebook Comments