
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na may 15 silang mga tauhan na nasugatan sa nangyaring komprontasyon habang nagsasagawa ng kilos-protesta kahapon kaugnay ng ika-49 na ASEAN Summit na isinasagawa sa bansa.
Ayon pa sa ulat ng PNP, nasa kabuuang 220 ang naarestong mga raliyista sa Muntinlupa at Maynila, habang nasa 21 ang na-rescue na mga Child in Conflict with the Law.
Kaugnay nito, ayon kay PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co, itutuloy ng pulisya ang pagsasampa ng kaso sa mga inarestong indibidwal kahapon.
Kabilang sa mga kasong isasampa ang BP 880 o ang Public Assembly Act of 1985, Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience to Person in Authority, Tumults and other Disturbances of Public Order, direct assault, at illegal assemblies.
Samantala, nagbabala si Co sa mga sumusubok sa limitasyon ng kanilang maximum tolerance na hindi ito nangangahulugan ng kahinaan sa hanay ng Pambansang Pulisya.










