15 puntos ni Thirdy Ravena, hindi sapat para pataubin ang Ryuku Golden Kings sa Japan B. League

Kumamada ng 15 puntos si Thirdy Ravena sa Japan Professional Basketball League pero hindi pa rin ito sapat para pabagsakin ng kanyang team na San-En NeoPhoenix ang kalabang koponan na Ryukyu Golden Kings, sa iskor 85-80.

Pagkatapos ng timeout, lamang ang Ryukyu ng anim na puntos, pero nagpaulan ng puntos si Ravena para lumapit ang kanilang lamang sa kalaban sa iskor 83-80, sa huling 24 na minute.

Pero naselyuhan ng Golden Kings ang kanilang panalo dahil sa kanilang pambato na si Dwayne Evans na may 26 markers at 13 boards.


Nag-ambag din si Narito Namizato ng 19 na puntos at 15 puntos naman kay Keita Imamura.

Bukod kay Ravena, nagdagdag ng 22 puntos para sa San-En si Stevan Jelovac habang 15 puntos kay Hayato Kawashima.

Dahil dito, pasok na sa B. League Playoffs ang RyuKyu na may 31-11 na kartada habang bumagsak ang San-En na may 12-42 card.

Ang susunod na makakasagupa ng koponan ni Ravena ay ang Shinsu sa Sabado.

Facebook Comments