15 road sections sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly, hindi pa rin madaanan

62

Hindi pa madaanan ng mga motorista ang labing-limang road sections sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Rolly.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang dito ang isang road section sa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region III o Central Luzon, isa rin sa Region IV-A o CALABARZON at labing-dalawa sa Region V o Bicol Region.


Bunga ito ng landslides, pagbagsak ng mga puno at ng mga poste ng kuryente habang ang iba ay mayroon pang baha.

Ayon pa sa DPWH, ilan ding mga kalsada na dinaanan ng Bagyong Quinta at Bagyong Pepito ang hindi pa rin madaanan.

Kabilang dito ang tatlong daanan sa CAR; dalawa sa Region II o Cagayan Valley; isa sa Region III; dalawa sa Region IV-A at isa sa Region X o Northern Mindanao.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta habang tinatapos ng DPWH ang clearing operations.




Facebook Comments