Blackwater Elite, pinaghahandaan na ang magiging sunod-sunod na laro sa muling pagbabalik ng 2020 PBA Philippine Cup

49

Pinaghahandaan na ng Blackwater Elite ang magiging sunod-sunod nilang laro sa muling pagbabalik ng 2020 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Blackwater Coach Nash Racela, kinakailangan maging physically fit ang kaniyang mga players lalo na’t anim na laro sa loob ng siyam na araw ang kanilang schedule.


Umaasa si Racela na wala sanang ma-injured o magkasakit sa kaniyang mga players at kailangan nilang manalo sa bawat laro upang magkaroon ng pagkakataon na makausad sa quarterfinals.

Aniya, malaking sakripisyo ang kanilang gagawin sa sunod-sunod na laro kung saan kasalukuyan silang nasa pang-walong pwesto sa team standing hawak ang 2-3 win/loss record.

Matatandaan na ilang beses na nakansela ang mga laro ng Blackwater bago suspindihin ng PBA board ang lahat ng laro matapos maging suspected case ng COVID-19 ang isa nilang player pero nag-negatibo naman makaraang sumalang sa dalawang beses na pagsusuri.

Facebook Comments