Nakalaya na ang 15 crew members na binihag ng mga pirata mula sa sinasakyan nilang chemical tanker sa Gulf of Guinea noong March 11.
Ang mga bihag ay kinabibilangan din ng mga Filipino seafarers.
Ayon sa De Poli Tankers, ligtas na ang mga crew at maaari nang makauwi sa kani-kanilang pamilya sa Eastern Europe at sa Pilipinas.
Nabatid na naging pangkaraniwan sa Gulf of Guinea ang “kidnap attack for ransom” sa mga barko na kadalasang kinasasangkutan ng mga Nigerian pirates.
Ayon sa International Maritime Bureau (IMB), 95% ng lahat ng maritime kidnapping na naitala noong nakaraang taon ay nangyari sa Gulf of Guinea.
Facebook Comments