15 seafarers na nakakulong sa France, inihingi ng saklolo sa pamahalaan

Umapela ng tulong si Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez sa pamahalaan na tulungan ang 15 Pinoy seafarers na kasalukuyang nakakulong sa France.

Nakatanggap ng impormasyon ang kongresista na ikinulong ng mga otoridad ng Pransya ang 15 Pinoy crew members ng M/V Trudy matapos na madiskubre ang cocaine sa kanilang barko sa isinagawang inspeksyon noong October 1, 2021.

Ang mga nabanggit na seafarers ay nakatakda sanang makauwi sa Pilipinas noong October 3 o dalawang araw bago sila mahuli.


Ngunit ang isyu ng pagkakadiskubre ng droga sa barko na lulan ang mga Pinoy crew ay hindi pa beripikado kaya umaapela si Gonzalez sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng verification process.

Nakarating din sa mambabatas na ang 15 detained seafarers ay nakakatanggap ng physical harassment.

Kung sakaling totoo ang mga pang-aabuso at pananakit sa mga Pilipino ay umapela ang kongresista na mapauwi agad sa bansa ang mga ito.

Facebook Comments