PATAFA, ipinagpaliban ang pagsibak kay EJ Obiena sa national team

39

Ipinagpaliban ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pagsibak kay national pole vaulter Ernest John Obiena.

Kasunod ito ng hilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang na resolbahan ng PATAFA ang isyu kay Obiena.

Ayon kay PATAFA Chairman Rufus Rodriguez, ipagpapaliban nila ng dalawang linggo ang pagsibak kay Obiena sa national pool.


Hindi rin aniya muna nila ipupursige ang pagsasampa ng criminal charges laban sa World No. 6 pole vaulter.

Ang estafa complaint ng PATAFA laban kay Obiena ay may kaugnayan sa hindi umano pagbabayad ng atleta sa kaniyang coach mula May hanggang August 2018.

Facebook Comments