15 Sundalo na Umano’y Napatay ng NPA, Isang Kasinungalingan-86th Infantry Battalion!

214

*Cauayan City, Isabela- *Kasinungalingan lamang ang ipinalabas na impormasyon ng Reynaldo Piñon Command ng NPA Central Isabela Front na mayroon umano silang napatay na 15 sundalo habang walang casualty sa kanilang panig sa mga naganap na sagupaan nitong buwan ng Enero at Pebrero taong kasalukuyan sa magkakahiwalay na bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang inihayag ni Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion, 5th ID, PA sa RMN Cauayan kung saan nais lamang palabasin ng mga NPA na malakas pa ang kanilang grupo na kahit paubus na ang kanilang miyembro.


Nilinaw din ni Lt. Col. Dulatre na kung may casualty man sa panig ng militar ay ipina-paalam din sa pamilya maging sa mga local na media.

Napakalaking bilang din anya ang sinabing 15 sundalong napatay ng NPA upang paniwalaan ng taong bayan.

Samantala, itinanggi rin ni Lt. Col Dulatre ang akusasyon ng NPA na gumagamit ng civilian guide ang militar sa kanilang mga isinasagawang operasyon.

Alam anya ng kasundaluhan ang kanilang limitasyon pagdating sa mga isinasagawang operasyon at nirerespeto din anya ng militar ang karapatang pantao.

Facebook Comments

From Advertisers