Cong. LRay Villafuerte, Muli na Namang Sinsuspendi ng Sandiganbayan

294

Sa ikalawang pagkakataon, muling sinususpende ng Sandiganbayan si Congressman Luis Raymund Favis Villafuerte ng Camarines Sur 2nd District.
Sa ipinalabas na dokumento ng Sandiganbayan 4th Division sa Criminal Case No. SB-18-CRN-0406 – People v. LUIS RAYMUND FAVIS VILLAFUERTE, JR., nakasaad ang 90-day suspension ng nabanggit na kongresista.
Magugunitang nitong nakaraang 2016, nasuspendi rin si Congressman LRay Villafuerte sa kasong graft kaugnay ng kwestionableng pagbili ng kapitolyo ng petroleum products na walang mandatory bidding.
Ang mga kasong kinakaharap ng incumbent congressman ay may kaugnayan sa mga transaction ng kapitolyo habang siya pa ang namamahalang gubernador ng probinsiya.
Para sa detalye ng panibagong suspension order, i-click lamang ang mga photos ng aka-attached sa balitang ito.



Facebook Comments

From Advertisers