15 Things You Need to Know About Celine Dion

72

  1. Si Celine Dion ay isang Canadian Singer na isinilang noong March 30, 1968 sa Charlemagne, Quebec, Canada.
  2. Ang kanyang tunay na pangalan ay Celine Marie Claudette Dion.
  3. Siya ay ipinangalan sa kantang “Celine” ng French singer na si Hugues Aufray.
  4. Labindalawang taong gulang siya nang pinirmahan niya ang kanyang unang recording contract.
  5. Ang pinakaunang record album na kanyang binili ay ang “Talking Book” ni Stevie Wonders (1972).
  6. Sa edad na 16, ay kumanta siya ng “Une Colombe” sa harapan ni Pope John Paul 11 at 65,000 na tao sa Montreal Olympic stadium.
  7. Nabigyan siya ng malaking break sa Europe nang manalo siya sa 1988 Eurovision Song Contest.
  8. Hindi niya itinatago ang katotohanan na hindi siya ang nagsusulat ng sarili niyang musika at pinipila niya ang magagaling na writer na makakatrabaho niya.
  9. Nakakapagsalita siya ng limang lenggwahe— French, English, Japanese, Spanish, at German.
  10. Mayroon siyang dalwang UK number 1 singles, parehong million sellers— ang kanyang kantang Think Twice at My Heart Will Go On.
  11. Siya ang may pinkamaraming nominations sa Juno Awards— 66 nominations at 20 panalo.
  12. Mayroon siyang 5 Grammys. Lahat ng panalo niya ay sa iba’t ibang kategorya—Record of the Year,  Best Female Pop Vocal Performance, Album of the Year, Best Pop Album, at Best Pop Performance by a Duo or Group with Vocal.
  13. Napangasawa niya ang kanyang manager na si Rene Angelil.
  14. Nagmula siya sa isang malaking pamilya, pinakbata sa 14 na magkakapatid.
  15. Siya ay isa sa may pinakamataas na kita na musician.
Facebook Comments

From Advertisers