Lalaking Nasamsaman ng Droga sa Santiago City, Natimbog!

33

Santiago City- Timbog ang isang helper matapos itong masamsaman ng droga sa isinagawang buy bust operation sa barangay Rosario, Santiago City kahapon, Hulyo 21, 2018.

Kinilala ang suspek na si Michael Sernade, 21, anyos, walang asawa, helper at residente ng Brgy. Rosario Santiago, City.


Samantala, nakuha naman mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng shabu at limang daang piso na ginamit naman bilang buy bust money.

Agad na dinala sa kustudiya ng kapulisan ang suspek na mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers