15 Things You Need to Know About Moira dela Torre

IMAGE: MPIRA DELA TORRE (FACEBOOK)
  1. Si Moira dela Torre ay tubong Olongapo City.
  2. Siya ay engaged sa kaniyang boyfriend na si Jason Marvin noong May 2018. Si Jason ay musically-inclined din. Magkasintahan na sila sa loob ng 13 months.
  3. Naisulat niya ang kaniyang unang kanta noong siya ay 12 years old. Ito ay tungkol sa paghahanap sa kaniyang purpose at calling. Namana niya ang kaniyang pagsusulat ng kanta sa kaniyang mga magulang na parehong choir member sa kanilang simbahan.
  4. 400 na ang naisulat niyang kanta.
  5. Dati siyang na-bully sa eskwelahan noong lumipat siya ng public school dahil siya ay mataba at English speaking.
  6. Naging contestant siya sa The Voice Philippine noong 2013 na nagbigay sa kaniya ng maraming break.
  7. Tagpuan ang kantang naging pinakamahirap para sa kaniyang isulat. Ito ang tinuturing niyang hope song. 2 years ang ginugol niya sa pagsusulat nito. Natapos niya ito nang makilala niya ang kaniyang fiancé.
  8. Nanalo ang “Titibo-tibo” na kinanta niya sa Himig Handog 2017. Mabilis din itong nag-hit sa masa.
  9. Sold out ang first two night ng ‘Tagpuan’ concert ni Moira sa Kia Theatre.
  10. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may calamansi sa daliri niya.
  11. Favorite food niya ang fried chicken at shrimp.
  12. Naging anorexic si Moira noong 12 years old siya matapos nitong hindi kumain sa loob ng apat na buwan at nalaman lamang noong nagpakonsulta siya sa isang psychiatrist.
  13. Sa edad na 14 ay nag-audition siya sa mga recording companies pero hindi siya napapansin.
  14. Marami na siyang naisulat at kinantang theme song sa iba’t ibang palabas. “Malaya” ng Camp Sawi, “Torete” ng Love You To The Stars And Back, “Huling gabi” ng Last Night at “You are my Sunshine” ng Meet me in St. Gallen.
  15. Siya rin ang boses sa likod ng mga tv commercials tulad ng “Hooray for Today” ng Mcdonalds, “You are here” ng Lewis and Pearl Sweet Paris at “It’s gotta be love” ng Johnson’s baby Signature of Love.
Facebook Comments