Pasok ang 15 unibersidad sa bansa bilang “best” higher education institutions (HEIs) sa 2022 Times Higher Education (THE) Impact Rankings.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera, ang ranking ngayong taon ay nagpakita ng 300 percent na pagtaas sa bilang ng mga unibersidad sa bansa na nakasama sa ranking.
Aniya, ito na ang pinakamataas na ranggo na natanggap ng alinmang unibersidad sa Pilipinas mula nang magsimula ang ranking noong 2019.
Nabatid na noong 2020, limang unibersidad lamang sa Pilipinas ang nakapasok sa listahan.
Kabilang sa mga nakapasok sa listahan ang mga sumusunod:
101 – 200
― Ateneo De Manila University
401-600
― De La Salle University
― Mariano Marcos State University
601-800
― Central Luzon State University
― Mapua University
― University of Santo Tomas
― Tarlac Agricultural University
801-1000
― Mindanao State University – Iligan Institute of Technology
― Nueva Ecija University of Science and Technology
― San Beda University
― Visayas State University
1001+
― University of Asia and the Pacific
― Cebu Technological University
― Paul University Philippines
― Tarlac State University
Ang University THE Impact Rankings ay isa sa itinuturing na “most influential rankings na ang natatanging global performance table na nag-a-assess sa kontribusyon at inisyatibo ng mga unibersidad para sa Sustainable Development Goals 17 ng United Nations.