Inaasahang aabot sa P180 million hanggang P200 million na kita kada linggo ang maibabalik sa mga restaurant kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 4 simula bukas.
Pero dahil limitado pa rin ang operasyon at kapasidad ng mga restaurant, nasa 150,000 na mga manggagawa lamang ang inaasahang makakabalik sa trabaho.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, 12% ito ng kabuuang 1.2 milyong manggagawa sa al-fresco at indoor dine-in services sa National Capital Region (NCR).
Ikinatuwa naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang bahagyang pagbubukas ng ekonomiya.
Gayunman, iginiit pa rin ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. ang full opening ng ekonomiya at pagpapabalik sa trabaho ng lahat ng mga manggagawa.
Ang dapat aniyang gawin ng gobyerno ay pataasin ang kapasidad ng mga ospital at magdagdag ng mga kama at pasilidad.