150 katao nawawala matapos lumubog ang isang barko sa Congo

Nawawala ang nasa 150 katao matapos lumubog ang sinasakyang barko sa Lake Kivu sa Eastern Democratic Republic of Congo.

Sa Twitter post, nagpaabot ng pagdadalamhati si Congo President Felix Tshisekedi sa pangyayari.

Tiniyak ng Congo leader na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at mapanagot ang responsable.


Ang barko ay umalis sa North Kivu Province ay lumubog sa lawa malapit sa Kalehe territory.

Sa ngayon, tatlong bangkay pa lamang ang narerekober habang 33 ang nasagip.

Facebook Comments