150 MEDICAL AT FRONTLINE WORKERS SA MANAOAG, FULLY VACCINATED NA

MANAOAG, PANGASINAN – Natanggap na ng 150 na medical health workers at frontliners sa bayan ng Manaoag ang kanilang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Kabilang dito ang mga nagtatrabaho sa ospital, barangay health workers at ilang ahensya sa bayan na nagbibigay serbisyo publiko.

Bukod dito ay may 180 na medical workers, frontliners at mga indibidwal na kabilang sa priority population group A1.1 na naninirahan sa Manaoag ang nabakunahan ng 1st dose ng Sinovac Vaccine kontra COVID-19.


Katulad ng naunang sistema ng pagbabakuna ay dumaan sa maayos na proseso ang nasabing aktibidad. Sinuri muna ang vital signs ng pasyente. Ito ay sinundan ng screening at verification.

Sumunod ang aktwal na pagbabakuna at pagkatapos mabakunahan ay pansamantalang inilagay sa holding area ang pasyente para obserbahan ang reaksyon ng bakuna sa katawan.

Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan na sumunod pa rin sa minimum health standard kahit pa nabakunahan na ng covid-19 vaccine.

Facebook Comments