150 pamilya sa San Juan City, nakatanggap ng food packs sa isinagawang Barangayanihan activity ng mga pulis

Namahagi ng food packs ang mga tauhan ng Station Community Affairs Section ng Pasig PNP sa 150 pamilya sa Ilugin Phase 1 at 2 (Sibol Compound), Pinagbuhatan, Pasig City.

Ginawa ng mga pulis ang pamamahagi kaugnay sa kanilang Barangayanihan activity kung saan prayoridad nilang tulungan ang mga pamilyang lubhang apektado ng pandemya.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), maliban sa foodpacks namahagi rin ang mga pulis sa San juan ng facemasks at anti-COVID flyers.


Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga kababaihan, PWDs at mga indigenous people na nawalan ng hanapbuhay ngayong may pandemya.

Katuwang ng PNP sa pamamahagi ng mga food packs ang isang Jin Bautista at mga Non-Government Organizations (NGOs) katulad ng MCOPS at Prime Ladies and Manlalakbay Riders Club.

Facebook Comments