Inihayag ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na aabot sa 150 na Pilipino sa Sri Lanka ang humiling ng repatriation sa harap kaguluhan doon dahil sa bagsak na ekonomiya.
Katumbas ito ng mahigpit 20% ng 700 na Pinoy na naninirihan o nanunuluyan sa Sri Lanka.
Sa ngayon, nakadepende sila sa tulong na ibibigay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga apektadong OFWs kung saan ayon kay Ople ay binigyan siya ng assurance na inaayos na ang repatriation arrangements para rito.
Mababatid na nagdeklara ng state of emergency sa Sri Lanka habang patuloy ang protesta ng mga tao kung saan sumugod na sa tanggapan ng prime minister.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na nagbigay na ang pamahalaan ng Pilipinas ng food packs at COVID-19 care packages sa mga OFWs na apektado ng isang linggong lockdown sa Macau dahil sa pagdami ng COVID-19 cases doon.