150 tonelada ng tilapia, tinamaan ng fish kill sa Taal Lake

Photo Courtesy: DENR Batangas

Tinatayang nasa 150 tonelada ng tilapia ang namatay matapos tamaan ng fish kill sa Taal Lake.

Apektado ng fish kill ang Barangay Gulod at Buso-buso sa Laurel, Batangas.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), parehong natural at man-made ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa fish cages sa paligid ng Taal.


Ayon kay Batangas Enviroment Officer Elmer Bascos, madalas na nangyayari ito tuwing buwan ng Mayo kung saan bumabagsak ang oxygen level sa tubig dahil sa papalit-palit na panahon.

Malaking bahagi din aniya ang overstocking at overfeeding sa mga isda kaya namatay ang mga ito.

Facebook Comments