Ilalaan para sa mga Pilipinong nurses na mayroong trabrado abroad ang 1,500 slots na idinagdag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa annual deployment cap sa healthcare workers.
Sumang-ayon ang IATF na itaas ang deployment limit sa 6,500 sa hiling na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Philippine Overseas Emplyoment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, nasa 99-porsyento ng slots ay mapupunta sa mga nurses habang ang natitirang isang porsyento ay sa ibang mission critical skills.
Ang dagdag na 1,500 slots ay ibibigay sa mga healthcare workers na kabilang sa ‘pipeline’ o mayroong naprosesong deployment papers bago nailabas ng POEA ang abiso.
Nabatid na ipinatupad ng pamahalaan ang deployment limit para hindi kapusin ang Pilipinas ng healthcare workers ngayong pandemya.