Ibiniyahe na papuntang Pilipinas ang initial batch na 15,000 doses ng Sputnik V vaccines mula Russia.
Ito ang inanunsyo ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta sa kanyang Facebook account.
Ayon kay Sorreta, inaasahang darating sa bansa ang Sputnik V vaccines bukas, May 1.
Marami pang supply ang paparating sa Pilipinas sa mga susunod na buwan.
Nagpasalamat din si Soreta kay Russian President Vladimir Putin, Foreign Minister Sergey Lavrov, maging ang Russian Direct Investment Fund at Gamaleya Institute para sa kanilang kooperasyon, pasensya at pang-unawa.
Ang Russian vaccine ay kailangang mananatili sa -20 degrees Celsius na storage requirement.
Ang nalalabing supply mula sa Russia ay binubuo ng 480,000 doses.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na nasa isa hanggang dalawang milyong Sputnik V doses ang matatanggap ng bansa sa Mayo habang may karagdagang dalawang milyon sa Hunyo.
Nabatid na naantala ang pagdating ng mga bakuna dahil sa logistical issues.