15,000 doses ng Sputnik V vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 15,000 doses ng Russian-made na Sputnik V’s Component 2 COVID-19.

Pasado alas-10 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang mga bakuna.

Gagamitin ito bilang ikalawang doses ng mga nabakunahan na ng Sputnik V, na una nang pinahaba ang interval dahil sa kakulangan ng suplay.


Sa ngayon, mahigit 13 milyong indibidwal na ang nakakumpleto ng bakuna o yung mga fully vaccinated sa bansa.

Facebook Comments