400,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa buwan lamang ng Agosto

Umabot sa 400,000 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), kabilang dito ang 5,500 nasawi dahil sa COVID-19, aktibong kaso ng tumaas ng hanggang 100%, mataas na positivity rate at ICU bed occupancy rate.

Naitala rin sa kaparehong panahon ang highest COVID-19 daily new cases na umabot sa 22,366.


Paliwanag ng World Health Organization (WHO), malaking epekto sa kaso ang mga bagong variant ng COVID-19 na mataas ang tiyansang makapanghawa kumpara sa orihinal na variant.

Facebook Comments