15,000 hospital beds, kakailanganin sa Metro Manila para sa COVID patients

Nangangailangan pa ang Metro Manila ng 15,000 hospital beds para ma-accommodate ang COVID-19 patients.

Ayon kay Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega, nananatili ang National Capital Region (NCR) na epicenter ng Coronavirus outbreak sa bansa.

Sa harap ito ng mahigit 10,000 hanggang 12,000 na kaso ng COVID-19 na naitatala araw-araw sa bansa.


Ayon kay Vega, sinisikap na rin nila na magkaroon ng karagdagang 700 na Intensive Care Unit (ICU) beds para sa severe at critical cases.

Inaasahan aniyang makukumpleto nila ito sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Kinumpirma rin ni Vega na ang Metro Manila ay nasa 86% na ang critical care utilization rate.

Facebook Comments