Hindi bababa sa 15,000 indibidwal ang namatay sa Europa ngayong taon dahil sa mainit na panahon.
Ayon sa World Health Organization, pinakamainit ang panahon sa Europe sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto na nagdulot ng pinakamatinding tagtuyot sa kasaysayan ng kontinente.
Nangungunang sanhi ng weather-related death ang heat stress.
Nasa 4,500 na ang nasawi sa Germany dahil sa matinding init ng panahon; halos 4,000 sa Spain; higit 3,200 sa United Kingdom at higit 1,000 sa Portugal.
Nagbabala naman ang WHO ng mas maraming sakit at kaso ng pagkamatay sa mga susunod na dekada kung hindi aaksyunan ang tumataas na heatwaves at iba pang extreme weather sa Europa.
Facebook Comments