Residential area, nasunog sa Navotas City

Aabot sa 20 bahay ang naabo sa sunog sa Monte Loyola Street sa Barangay San Roque kaninang madaling araw.

Nagsimula ang sunog alas-3:40 ng madaling araw at mabilis na kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay.

Umabot ito ng ikalawang alarma bago idineklarang fireout kaninang alas-4:58 ng umaga.


Ayon kay Vonne Villanueva, hepe ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office, naiwang kandila ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang nasawi o nasaktan sa insidente.

Kasalukuyang nanunuluyan sa Kapalaran Basketball Court ang 50 pamilyang naapektuhan ng sunog.

Tiniyak naman ng Navotas LGU ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima gaya ng pagkain, inuming tubig, banig, kumot at iba pa.

Facebook Comments