15,000 pulis, magbabantay sa Sea Games

Nasa 15,000 pulis ang magbabantay sa nalalapit na Southeast Asian Games.

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, ang police regional office 3 ay magpapakalat ng nasa 5,000 pulis habang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magbibigay ng 10,000 pulis.

Ang mga venue kung saan idadaos ang Interantional Sports Event ay sa Clark, Subic, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon.


Ang Sea Games ay magsisimula sa November 30 hanggang December 11.

Facebook Comments