Inaasahan ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX na 150,000 katao ang dadagsa sa kanilang terminal sa darating na long weekend at paggunita ng Undas.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Jason Salvador, PITX Corporate affairs and govt. relations head na napaghandaan na nila ang ganito karaming tao.
Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para matiyak na sapat ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na ba byahe sa long weekend.
Para naman daw masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero nakipag ugnayan na rin sila sa Land Transportation Office o LTO.
Kaya naman nagsasagawa na ngayon ng ramdom check ang LTO sa mga tsuper para matiyak na hindi nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at alak ang tsuper.
Dinagdagan naman ng PITX ang kanilang anti-covid ambassador na ang trabaho ay mag-ikot sa buong terminal para paalalahanan ang mga pasahero na magsuot palagi ng facemask at pairalin ang social distancing upang makaiwas na mahawa ng COVID-19.
Sinabi pa ni Salvador na bagama’t hindi na inoobliga ang pagpresenta ng vaccination card sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ay dapat pa rin daw itong bitbitin sa byahe dahil maaring hanapin ito sa ending destination.