Dalawa, patay sa nangyaring sunog sa Valenzuela City

Dalawang bata ang naitalang nasawi sa nangyaring sunog sa Urrutia Street, Barangay Gen T. De Leon sa Valenzuela City.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Valenzuela na si Fire Director. F/Supt. Anamie Legaste, kinilala ang magkapatid na batang babaeng nasawi na sina Jhenea Macey Eucacion, 9 anyos at si Leana Cassy Eucacion, 3 taon gulang.

Nagsimula ang sunog kaninang alas-8:00 ng umaga at tuluyang naapula ganap na alas-8:44 ng umaga.


Inabot ng ikalawang alarma ang sunog kung saan sa isang bahay na dalawang palapag nagsimula ang apoy na pag-aari ng tiyahin ng mga biktima na si Marilien Manuel Bahay habang nadamay ang tinitirhan ni Lenie Rose Eucacion na ina ng mga biktima.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng BFP kung anong pinagmulan ng sunog at magkanong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa insidente.

Facebook Comments