Karagdagang 68 kaso ng firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.
Dahil dito, umabot na sa 153 ang kabuuang bilang ng firecracker-related injuries sa bansa na mas mataas ng 32% kumpara sa 116 na naitala sa kaparehong panahon noong 2020.
Samantala, 39% o 50 sa mga kaso ay naitala sa Metro Manila; tag-22 sa Region I at Region VI; 12 sa Region 3; tag-anim sa Regions V, VII at BARMM; tag-lima sa Region II at Calabarzon; apat sa Region XII; tatlo sa Cordillera Administrative Region at tag-isa sa Region IX at XI.
Sa 153 na nabiktima ng paputok, 113 o 74% ay mga kalalakihan.
Kabilang sa top five firecracker na nagdulot ng injury ay kwitis, 35 cases; boga, 15; luces, 12; triangle, 10 habang 24 na kaso ng hindi kilalang fireworks.