Higit 14,000 na mga byahero sa mga pantalan, naitala ng PCG noong holiday season

70

Napagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 14,918 na mga pasahero mula sa iba’t ibang pantalan ng bansa.

Mula sa nasabing bilang, 7,459 nito ay mga outbound passengers habang ang 6,843 naman ay mga inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Ayon sa PCG, nakapgdeploy naman sila ng 1,617 frontline personnel.


Nakapag inspeksyon din ang 15 PCG District ng 60 vessels at 77 motorbancas,.

Matatandaang inilagay sa heightened alert ang lahat ng district, stations at sub-stations ng PCG mula December 16, 2021 hanggang January 5, 2022 upang ma-manage ang pagdami ng mga pasahero sa mga pantalan na uuwi sa kani-kanilang probinsya para sa holiday season.

Facebook Comments