Aabot sa mahigit 150 ang errors na natuklasan ng Department of Education (DepEd) sa mga learning materials.
Ito ang kinumpirma ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts.
Ayon kay San Antonio, sa inisyal na report ay aabot sa 163 ang naitalang mali sa mga learning modules mula October 2020 hanggang June 2021.
Pero bumaba ito sa bilang na 155 matapos ang validation na ginawa ng ahensya.
Kasama sa errors na ito ang malaswang salita na matatagpuan sa modules na ginamit sa mga Grade 10 students sa Pampanga.
Sa 155 na errors, 100 dito ay locally-developed materials na agad namang nai-refer sa division office level para makapaglabas ng errata sa mga pagkakamali.
Samantala, hindi naman ma-locate kung saan naman galing ang 20 sa mga errors na mula umano sa mga “unknown sources”.
Inatasan naman ng ahensya ang mga guro na agad na ring itama ang mga pagkakamali na ito sa kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.