Umabot sa 157 ang namatay matapos bumagsak ang isang passenger jet ng Ethiopian Airlines.
Umalis ng Bole Airport sa Addis Ababa ang eroplano patungko sana sa Nairobi nang mawala ang contact nito sa control tower matapos ang ilang minuto.
Ayon kay Ethiopian Airlines CEO Tewolde Gebremariam – walang nakaligtas sa airplane crash.
Aniya, ang eroplano ay lulan ng mga pasahero mula sa 33 bansa na kinabibilangan ng Kenyan, Ethiopian, Italians, American, Canadian, French, Chinese, Egyptian, Swedish, British, Dutch, Indian, Slovakian, Austrian, Swedish, Russian, Moroccan, Spanish, Polish at Israeli citizens.
Mayroon ding mula sa Belgium, Indonesia, Somalia, Norway, Serbia, Togo, Mozambigue, Rwanda, Sudan, Uganda at Yemen citizens.
Iginiit ni Gebremariam na walang naitalang technical problem sa bagong eroplano bago ito umalis habang ang piloto ay may “excellent” flying record.
Ang Ethiopian aircraft, ay isang 737 max 8, kaparehas ng Lion Air Flight na bumagsak sa Java Sea matapos mag-take-off sa Jakarta, Indonesia noong October 29, 2018 kung saan 189 tao ang nasawi.
Patuloy na inaaalam ang sanhi ng pagbagsak.
Samantala, magpapadala ang National Transportation Safety Board (NTSB) ng team para tumulong sa imbestigasyon.