Aabot sa 1,585 na mahihirap na pamilya sa Metro Manila ang nakatanggap ng mga gulay mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sinabi ni DAR Support Services Office Undersecretary Emily Padilla na ang mga gulay ay mula sa ani ng iba’t ibang mga agrarian reform beneficiaries’ organizations sa Nueva Ecija at Benguet.
Layon aniya nito na matulungan ang mga pamilyang mahihirap sa panahong ito ng pandemya.
Kabilang sa mga lugar na nakatanggap ng suplay na gulay ay ang Barangay Zapiro sa Sta. Cruz; Rasac sa Sta. Ana at Magsaysay sa Tondo, Maynila.
Ang food relief drive ng DAR ay tatakbo mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong ito.
Facebook Comments