1,592 mga ofws ang nakasalang sa mandatory repatriation ng ofws sa Iraq bukas ayon kay special envoy to Middle East Roy Cimatu

Abot sa 1,592 Filipinos na rehistradong Pilipinong manggagawa sa Iraq ang pauwiin o mandatory repatriation bukas.

 

Sa press briefing sa DENR central office, sinabi ni Special Envoy to Middle East Roy Cimatu  na paalis na siya bukas para pangunahan ang gagawing repatriation.

 

Ngayong araw pa lamang ay maari nang nagtungo sa embahada ng Pilipinas ang mga pinoy na gusto nang umuwi.


 

Aniya, pabibilisin nila ang proseso ng mga travel documents ng mga ofws na hindi nakakuha ng maayos na dokumento sa kanilang mga pinagtatrabahuhan sa Iraq.

 

Tiniyak ni Cimatu na kahit ang mga illegally documented na pinoy ay kasama sa repatriation.

 

Aminado si Cimatu na hamon sa repatriation ang pagdadala sa mga pinoy sa mga safe zone o pinakamalapit airport.

 

Wala aniyangng movement ng mga ofws hanggat hindi nasisiguro na ligtas ang kanilang mga destinasyon

 

Ang mga ofws ay maaring ilipad o i-airlift o ibibiyahe sa pamamagitan ng sasakyang panlupa patungong Jordan o Dubai. Mula roon, may option ang mga ito kung didiretso sa Manila o sa Qatar.

 

Isasagawa naman ang repatriation ng mga ofws sa iba pang bansa sa Middle East depende sa paglala ng namumuong tensyon.

Facebook Comments