Patay na nang matagpuan ang katawan ng Isang 16 anyos na dalagita matapos umanong gahasain ng grupo ng kalalakihan sa Bayambang, Pangasinan.
Sa ulat ng pulisya, 18 ng Pebrero pasado alas onse ng gabi nang umalis ang biktima sa bahay nito sa Brgy. Tococ East at sinundo ng tricycle at dinala sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Sancagulis.
Sinubukan pa itong hanapin ng kaniyang pamilya matapos bigong makabalik sa kanilang bahay.
Ngunit Kinaumagahan noong 19 ng Pebrero, natagpuan na ang katawan ng biktima na walang buhay sa isang lote sa Bical Sur.
Diumano, nakadamit panloob na lamang ang biktima at tinakpan ng sako matapos gahasin at patayin ng tatlong kalalakihan.
Sa inilabas naman na pahayag ng LGU Bayambang, nasa kustodiya na ng pulis ang mga suspek.
Gayunpaman, inihayag ng Bical Sur Barangay Council ang kanilang maigting na pagbabantay sa kanilang barangay.
Panawagan naman ng LGU, maging maingat at huwag umanong sumama sa mga hindi kilalang tao upang masiguro ang kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









