16 anyos na wanted sa batas, huli sa Echague, Isabela!

54

*Echague, Isabela –* Huli ang isang menor de edad matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamyento de aresto nito sa Brgy. Silauan Norte, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Properties ang akusado na itinago sa pangalang “Mark” na residente ng nasabing barangay.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong RIR in Damage to Properties na may inirekomendang piyansa na P11,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa court of origin nito.

Facebook Comments