13 patay, 9 sugatan sa pag-atake sa Myanmar

101

Myanmar – Patay ang 13 Myanmar police habang sugatan naman ang 9 na iba pa sa ginawang pag-atake ng mga rebelde sa mga police outpost sa Rakhine State ng Myanmar.

Sa ulat, Biyernes ng umaga nang maganap ang pag-atake sa apat na police post sa lugar.

Dalawa sa police outpost ang matagumpay na nadipensahan ng government forces, ngunit ang ikatlo ay pansamantalang nasakop ng mga rebelde.

Tinangay ng mga ito ang nasa 40 maliliit na armas, mga bala at walkie-talkie.

Ang nasabing pag-atake ay isinabay sa Araw ng Kalayaan.

Facebook Comments

From Advertisers