16-Anyos, Patay Matapos Makuryente sa Sapa!

464

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang 16 taong gulang na binatilyo matapos makuryente sa Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Davidson Dela Vega, out of school youth at residente ng Brgy Mambabanga, Luna, Isabela.


Batay sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan, nagtungo ang biktima sa sapa ng Brgy. Luzon kahapon ng hapon at base sa isang kasama nito, natapakan umano ng biktima ang switch ng kanilang improvised electro fishing device na sanhi ng kanyang pagkakakuryente.

Naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Facebook Comments